Ibong Adarna Resource Website

Kabanata 25: Mahalagang Saknong

Saknong 1365- 1369

Itinaas na ang kamay

At salangit ang pananaw:

“Diyos na Makapangyarihan

ang bahal na po’y ikaw.

 

“Ikaw, anak na suwail

nawa’y makaalala rin,

sa ginawa mo sa akin,

talaban ka ng dalangin.

 

“Hingi ko sa Panginoon

Gumapang kang parang kuhol

At sa haba ng panahon

Matuto ka ring lumingon.

 

“At sakaling sumapit ka

sa kahariang Berbanya,

malimot ng iyong sinta

sa pagluha’t pag-iisa.

 

“Itakwil ka’t pabayaan

Sa iba siya pakasal,

ito’y siyang kabayaran

sa gawa mong kataksilan.”

Ang kahalagahan ng saknong na ito ay sinasabi ng saknong na ito kung paano nawawalan ng pag-asa si Haring Salermo at paano siyan humihingi ng tulong sa kanyang mga balak kay Don Juan.

 

Leave a comment

Mga larawan

Nagpagaling kay Don Fernando

Mga Pahina sa Resource Website