Ibong Adarna Resource Website

Kabanata 20: Mahalagang Saknong

Mahahalagang Saknong :

Saknong 833

-Sa silid ay nagiisa

Kaurali’y mga dusa

Maningning niyang mga mata

Sa luha’y nalalabo na

Kahulugan : Ipinapakita sa saknong na ito kung gaano kalungkot si Donya Leonora sa kanyang silid. Ito ay dahil hindi pa dumadating ang kanyang minamahal na si Don Juan.

Saknong 842

-Hibik naman ng Prinsesa :

“Don Juan kong tanging sinta ,

malagot man ang hininga

iyung-iyo si Leonora

Kahulugan : Makikita natin rito ang pagmamahal ni Donya Leonora kay Don Juan. Sinabi niya na kahit mamatay siya , ang puso niya at pagmamahal ay nakay Don Juan parin. Hindi kay Don Pedro.

Saknong 844

-“Hindi mo ba nababatid

Don Juan kong iniibig

Itong lilo mong kapatid

Sa ayaw ay namimilit ?

Kahulugan: Sa saknong na ito , makikita natin na naiinis na si Donya Leonara sa kakulitan ni Don Pedro dahil pilit siya nang pilit na mahalin siya nito at hindi si Don Juan.

Saknong 850 :

-“Kung nasawi ka sa balon ,

bakit kaya nagkagayon?

Lobo’y saan naparoon

At wala rin hanggang ngayon?

Kahulugan : Nagtataka na si Donya Leonora kung bakit wala pa ang Lobo na inutusan niya parang tulungan si Don Juan. Mapapaisip ang tao kung ano kaya ang nangyari sakanya.

Saknong 856

-Ang Prinsesa’y nanahimik

sa malungkot  niyang silid

si Don Pedro ay umalis

na may sugat sa dibdib

Kahulugan : Pagkaalis ni Don Pedro , malungkot parin si Donya Leonora. Sa pagalis ni Don Pedro , siya ay nalungkot at nasaktan dahil ang kanyang tanging minamahal ay may ibang mahal , ang kanyang kapatid , na si Don Juan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Mga larawan

Nagpagaling kay Don Fernando

Mga Pahina sa Resource Website

%d bloggers like this: