Ibong Adarna Resource Website

Mga Tauhan

Tauhan : Don Fernando

Pagkalarawan: Si Don Fernando ang ama ni Don Juan , Don Pedro at Don Diego.Ang kanyang asawa ay si Donya Valeriana. Siya ay nagkasakit sa simla nang storya dahil napanaghinipan niya na pinatay ang kanyang bunso na si Don Juan. Ang magpapagaling lang sakanya ay ang Ibong Adarna na hahanapin nang tatlong magkakapatid.

Tauhan : Don Pedro

Pagkalarawan : Si Don Pedro ang pinakamatanda sa tatlong magkakapatid. Siya din ang pinakaunang naghanap sa Ibong Adarna ngunit hindi nagtagumpay. Si Don Pedro ay isang masamang kapatid. Noong iniligtas siya ni Don Juan , pinagtaksilan nila nito ni Don Diego. Binugbog nila at iniwan si Don Juan upang ipalabas sa hari na sila ang nakakuha nang Ibong Adarna. Si Don Pedro din ang nagplanong pakawalan ang Ibong Adarna habang si Don Juan ang nagbabantay. Siya din ang pumutol sa lubid ni Don Juan noong paakyat siya nang balon. Inagawa din niya ang babaing iniibig ni Don Juan na si Donya Leonora , ngunit siya ay tinangihan dahil si Don Juan ang tunay niyang mahal.

Tauhan : Donya Leonora

Pagkalarawan : Si Donya Leonora ang isa sa mga iniibig ni Don Juan. Siya ay iniligtas ni Don Juan sa kanilang palasyo pagkatapos niya sagipin ang kapatid ni Donya Leonara na sa si Donya Juana. Si Don Pedro din ay may gusto kay Donya Leonora , ngunit ang tunay niyang mahal ay si Don Juan kaya kahit anong pilit ni Don Pedro , hindi ito gumagana. Si Donya Leonara din ang ipinakasalan ni Don Juan noong nakalimutan niya si Donya Maria.

Tauhan : Arsobispo

Pagkalarawan : Siya ang nagkasal kay Don Juan at Donya Leonora.

Tauhan: Don Juan

Pagkalarawan: Si Don Juan ang Pangunahing Tauhan sa Ibong Adarna, siya ay nakipagsama sa tatlong iba’t-ibang babae. Isang Prinsipe ng Berbanya at anak ni Don Fernando at Donya Valeriana, kapatid ni Don Diego at Pedro(Bunso).

Tauhan: Don Diego

Pagkalarawan: Si Don Diego ang ikalawang anak ni Don Fernando at Donya Valeriana. Asawa ni Donya Juana, pinakatahimik sa magkakapatid.

Tauhan: Donya Maria

Pagkalarawan: Si Maria ang anak ni Salermo at nakatira sa de los Cristales.Asawa ni Don Juan. Marunong gumamit ng Mahika

Tauhan: Ibong Adarna

Pagkalarawan: Isang Ibon na may mahika na makakapaggaling ng mga tao pero ang dumi nito ay ginagawang bato ang mga tao

Tauhan: Donya Juana

Pagkalarawan: Si Donya Juana ang kapatid ni Donya Leonora, unang iniligtas ni Don Juan sa balon pero naging asawa ni Don Pedro.

Tauhan: Donya Valeriana

Pagkalarawan: Si Donya Valeriana ang asawa ni Don Fernando at ina nina Pedro, Diego at Juan.

Tauhan: Haring Salermo

Pagkalarawan: Siya naman ang hari ng Reyno de los Cristales. Ayaw niya ibigay ang anak niya, si Donya Maria sa mga lalaki. Nakakapaggamit din ng mahika

Tauhan: Ermitanyo sa Bundok Tabor

Pagkalarawan: Ermitanyo na nagtulong kay Don Juan hulihin ang Ibong Adarna at gawin normal ang kanyang mga kapatid

Tauhan: Ermitanyo 2

Pagkalarawan: Nagtulong kay Don Juan para makausap ang pangatlong Ermitanyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng baro ni Jesus

Ermitanyo 3 – Pangatlong Ermitanyo na marunong magkausap ng mga hayop sa dugat. Nagtulong kay Don Juan hanapin ang agila na alam kung saan ang Reyno De los Cristales

Leproso sa Bundok Tabor – Leproso na tinulungan ni Don Juan sa pamamagitan ng pagbigay ng tinapay. Tinulungan din niya si Don Juan sa pamamagitan ng pagsabi kung saan ang Ermitanyo ng Bundok Tabor. Pareho silang tao ng Ermitanyo ng Bundok Tabor

Matanda 1 – Matanda na nagsabi kung ano ang lunas sa sakit ni Haring Fernando(Ibong Adarna)

Higante -Ang higante ay ang nagbantay kay Donya Juana sa ilalim ng balon.

Serpyente -Ang Serpyente ay ang isa sa dalawang taga-bantay ni Donya Leonora sa palasyong nakatago sa ilalim ng balon.

Matanda 2 – Itong matanda ang tumulong kay Don Juan noong siya ay pinagtaksilan ng mga kapatid at iniwan lamang nang bugbog at walang makain. Mahalaga itong matandang ito dahilkung hindi dahil sa kanya ay namatay na kaagad si Juan.

Mediko – Mediko ng Berbanya na hindi alam kung ano ang sakit ni Haring Fernando

Juana -Siya ang isang kapatid ni Donya Maria at ang isa pang anak ni Haring Salermo na naninirahan din sa Renyo de los Cristales.

Isabella – Siya ang isa sa mga kapatid ni Donya Maria.

Mga Tao sa Berbanya – Ang mga tao sa Berbanya ay napakamasunurin. Tahimik ang kaharian ng Berbanya dahil lahat ng utos ng hari ay sinusunod nila. Kapag masaya ang hari, masaya rin sila katulad noong kasal ni Diego at kapag malungkot ang hari, malungkot na rin sila katulad noong umalis si Juan sa Berbanya upang hanapin at hulihin ang Ibong Adarna.

Mga Tao sa de los Cristales – Ang mga tao sa de los Cristales ay naging masaya noong bumalik na ang prinsesang si Maria at naging reyna na ng kaharian na iyon habang si Juan naman ang hari ng kaharian.

Lobo -Ito ang kasama ni Doya Leonora sa ilalim ng balon at ito rina ang tumulong kay Don Juan nang nahulog siya sa balon.

Agila -Ang Agila ang nag-dala kay Don Juan papuntang Renyo de los Cristales. Ito ay nag-pangako na dadalin niya si Don Juan sa Renyo de los Cristales nang hindi nasasaktan.

Olikornyo – Ito ang nagdala kay Juan sa pangatlong ermitanyo sa kanyang paghahanap sa de los Cristales.

Negrito – Ito ay ang nagkaroon ng palabas noong kasal at kapag pinapalo siya, si Juan ang nasasaktan.

Negrita – Ang negrita ay kasama ng negrito sa laro ibinigay ni Maria Blanca sa kasalan ni Juan at Leonara.  Nag-uulat ang negrita ng mga pinaghirapan ni Juan kasama ni Maria Blanca.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Mga larawan

Nagpagaling kay Don Fernando

Mga Pahina sa Resource Website

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: